Wednesday, November 23, 2011

missing my baby :(

miss my baby...


may ako nanganak... ngayon iniwan ko anak ko sa ilocos para mag-aral ako dito sa isabela. kasama ko dito ang aking asawa. namimiss ko na ang anak ko. sana ako pa rin ang makikilala niyang ina kasi bata pa siya at iba na ang nag-aalaga sa kanya na dapat ako, pero kailangan kong mag-aral pra sa future namin. basta kapag nasa amin na siya ibubuhos ko lahat ng oras ko sa kanya at magiging mabuti akong ina...

baby, magbakabait ka. sana maging healthy ka at wag maging sakitin. at wag kang malikot kasi napapagod din si tita..hehehe..

imissyou and iloveyou baby.! :(

Monday, February 21, 2011

the truth comes out

Tama ang sabi nila na "walang sikretong nabubunyag."

Nalaman na nilang lahat. Siyempre hindi pa nila tanggap lahat, pero sana naman po madali lang nilang tanggapin ang sitwasyon ko. Alam kong mali pero sana po tanggapin na nila.

Sana tanggapin pa rin nila ako ng buong buo.

Thursday, February 17, 2011

masakit pero kailangang tanggapin

alam na ng pamilya ko. nasaktan ang lahat. kasalanan ko ang lahat ng ito. tanggap ko kung ano man ang magiging disisyon nila pero sana hindi kami paghiwalayin. kahit saktan pa ako ng parents ko, tatanggapin ko dahil karapatan din nilang gawin sa akin iyo. hindi nila tanggap lalo na ang parents ko. alam ko mahirap itong tanggapin pero nangyari na eh, wala na kaming magagawa.
isang malaking kahihiyan sa aking pamilya na ako lang ang natatanging nakagawa. ipinakita ko lang na ako'y hindi karapat-dapat ibilang sa katulad nila na inaalagaan ng mabuti ang kanilang pangalan. isa akong malaking kahihiyan sa aking mga magulang, siguro ngayon, nagsisisi sila kung bakit pa nila ako naging anak. wala man lang malasakit sa mga sakripisyong ginagawa nila makapag-aral lang ako.
bata pa lang kami nagawa na namin ang bagay na iyon. hindi man lang kami nag-isip ng mabuti na pwedeng mangyari sa akin ang bagay na iyon. isang katangahan ng isang teenager na dapat hindi namin ginawa. kahit sabihin pa nating mahal namin ang isa't isa pero hindi pa rin sapat na dahilan iyon para gawin ang bagay na iyo. tama nga ang kasabihang "NASA HULI ANG PAGSISISI". hindi na namin mababawi pa ang kasalanang nagawa namin.
ipinapangako namin na tatapusin na muna namin ang pag-aaral namin para sa darating na isang buhay sa aming buhay. magsisikap kami para patunayan na kahit nangyari ito sa amin hindi pa rin namin pababayaan ang aming pag-aaral.
humihingi din kami ng patawad sa aming mga magulang. hindi man ito madali sa kanila pero sana mapatawad nila kami at matanggap ang aming nagawang kasalanan. SORRY PO SA AMING KASALANANG NAGAWA.

Saturday, February 5, 2011

Departmental Exam.!!!!!!!!!!!

Grabe.... mahirap na nga ang exam mahirap pa ang pagsasagot. san ka pa?! sino ba ang nagsuggest ng ganoong answer sheet? hayy.....

napipikon na nga rin ako sa sarili ko eh. ang tagal ko kasing sumagot. parang 10 mins every questions. i can't believe it.! i hate my self for that. sana naman kahit papano my kabilisan ako sa pagsagot ng mga tanong. pero hayaan na yun kabagalan ko. ang importante ay may makuha sana ako sa exam naming iyon. kahit makalahati o higit pa sana. grabeng hirap yun ah, kahit 2 hours pa ang binigay na time sa amin mahirap parin un. aus lang sana kung maikli ang mga solutions namin pero hindi naman. ang hirap magsulat at magshade no erasures pa.

GODBLESS TO ALL OF US na may mga Departmental Exam ngayon.

Friday, January 28, 2011

i hope so.!

i hope, Sir can help us. He's the only way...

Ita-transfer ko na 'yung letterfor Sir para sa hinihingi naming tulong. sana naman pumayag siyang tulungan niya kami. wala na talaga kaming malalapitang iba kundi siya na lang. at nagka-idea lang naman kami na siya ang makakatulong sa amin dahil siya na rin ang nagkuwento sa amin na may alam siyang pwedeng makatulong sa amin. sana talaga matulungan niya kami.

magiging masaya ako kapag tinulungan niya kami at tatanawin ko ang ginawa niyang pagtulong sa amin habang buhay.

Tuesday, January 25, 2011

...paano simulan?

hindi ko alam kung paano sisimulan ang sulat na dapat kong gawin ngayong gabi...

siguro natatakot lang akong ilagay sa sulat ang katotohanan. katotohanang dapat sabihin sa taong makakatulong sa akin. paano ko sisimulan kung ang sulat na dapat kong gagawin ang siyang makakatulong sa akin para magkaroon ng kaalaman ang taong makakatulong sa akin. siya na lamang ang nag-iisang tao na kailangan ko ngayon para sa problema namin. hindi naman sa siya lang talaga kundi siya lang ang kilala ko para makatulong sa akin. sana pumayag siyang tulungan ako...

sa pamamagitan ng sulat na gagawin ko, sana'y ito ang isa sa mga paraan para matulungan akong malutas ang aking problema sa buhay. kahit sabihin nating isa itong pagsubk kung sa akin naman ay hindi ko pa kayang itayo ang sarili ko ng lubos. sana'y gabayan ako ng Poong Maykapal para magkaroon ng kaisipan kung paano simulan ang aking inaasam na sulat para sa isang taong puwedeng makatulong sa akin.

hindi ko man nilalagay sa kanyang mga kamay ang aking kapakanan ngayon, binibigay ko naman sa kanya ang aking tiwala para ako'y kanyang matulungan.

Thursday, January 13, 2011

i love you.!

i love you.! words that i always say to you. and that is true. you love me and i love you. that's what we feel for each other.
trust, love, honesty and friendship are the things that binds us together. even though there are circumstances that we could not understand each other, in the end we still end happy. and i know we have still many things that we learn in each other.
i hope, we will be forever. i hope those promises will last forever.