Monday, February 21, 2011

the truth comes out

Tama ang sabi nila na "walang sikretong nabubunyag."

Nalaman na nilang lahat. Siyempre hindi pa nila tanggap lahat, pero sana naman po madali lang nilang tanggapin ang sitwasyon ko. Alam kong mali pero sana po tanggapin na nila.

Sana tanggapin pa rin nila ako ng buong buo.

Thursday, February 17, 2011

masakit pero kailangang tanggapin

alam na ng pamilya ko. nasaktan ang lahat. kasalanan ko ang lahat ng ito. tanggap ko kung ano man ang magiging disisyon nila pero sana hindi kami paghiwalayin. kahit saktan pa ako ng parents ko, tatanggapin ko dahil karapatan din nilang gawin sa akin iyo. hindi nila tanggap lalo na ang parents ko. alam ko mahirap itong tanggapin pero nangyari na eh, wala na kaming magagawa.
isang malaking kahihiyan sa aking pamilya na ako lang ang natatanging nakagawa. ipinakita ko lang na ako'y hindi karapat-dapat ibilang sa katulad nila na inaalagaan ng mabuti ang kanilang pangalan. isa akong malaking kahihiyan sa aking mga magulang, siguro ngayon, nagsisisi sila kung bakit pa nila ako naging anak. wala man lang malasakit sa mga sakripisyong ginagawa nila makapag-aral lang ako.
bata pa lang kami nagawa na namin ang bagay na iyon. hindi man lang kami nag-isip ng mabuti na pwedeng mangyari sa akin ang bagay na iyon. isang katangahan ng isang teenager na dapat hindi namin ginawa. kahit sabihin pa nating mahal namin ang isa't isa pero hindi pa rin sapat na dahilan iyon para gawin ang bagay na iyo. tama nga ang kasabihang "NASA HULI ANG PAGSISISI". hindi na namin mababawi pa ang kasalanang nagawa namin.
ipinapangako namin na tatapusin na muna namin ang pag-aaral namin para sa darating na isang buhay sa aming buhay. magsisikap kami para patunayan na kahit nangyari ito sa amin hindi pa rin namin pababayaan ang aming pag-aaral.
humihingi din kami ng patawad sa aming mga magulang. hindi man ito madali sa kanila pero sana mapatawad nila kami at matanggap ang aming nagawang kasalanan. SORRY PO SA AMING KASALANANG NAGAWA.

Saturday, February 5, 2011

Departmental Exam.!!!!!!!!!!!

Grabe.... mahirap na nga ang exam mahirap pa ang pagsasagot. san ka pa?! sino ba ang nagsuggest ng ganoong answer sheet? hayy.....

napipikon na nga rin ako sa sarili ko eh. ang tagal ko kasing sumagot. parang 10 mins every questions. i can't believe it.! i hate my self for that. sana naman kahit papano my kabilisan ako sa pagsagot ng mga tanong. pero hayaan na yun kabagalan ko. ang importante ay may makuha sana ako sa exam naming iyon. kahit makalahati o higit pa sana. grabeng hirap yun ah, kahit 2 hours pa ang binigay na time sa amin mahirap parin un. aus lang sana kung maikli ang mga solutions namin pero hindi naman. ang hirap magsulat at magshade no erasures pa.

GODBLESS TO ALL OF US na may mga Departmental Exam ngayon.