Sunday, December 19, 2010

sana naman mataohan ka na....

nabasa daw niya yung post ko at umiyak daw siya ng dahil dun. bakit masakit bang tanggapin ang katotohanan? buti nga yun lang ang mga salitang binibitiwan ko, samantalang kung sila itong makapagsalita eh kulang na lang ay ang isumpa nila ako. yun ang nararamdaman ko kung makapagsalita sila sa akin. alam ko kung mababasa man nila ito ako na naman ang magmumukhang masama at mali. wala na akong ibang paraan pa para ilabas ang aking nararamdaman.

love? sana nga totoo yung sinasabi nila o ako lang talaga ang may mali. hindi ko kasi maramdaman eh. kahit sabihin nating may mga time na masaya kami pero ako lang din naman ang nakikita nilang pagsilbihan. at kung minsan masaya nga sila hindi naman ako kasama, tapos magtatanong sila sa akin kung bakit ako di kumikibo o kaya bakit O.P ako. bakit sinasama ba nila ako sa usapan? hindi naman ah, tapos kung magsasalita naman ako wala namang pumapansin sa akin. san pa ba ako dapat lumugar? mas mabuti pa ata na mawala na lang ako sa buhay nila kesa may iniisip pa silang dapat pansinin at pasanin sa kanila. ang bitter ko noh? pero yun po kasi ang iniisip ko eh. sorry na lang po....

Thursday, December 16, 2010

"ang sensitive niya"

porket ba bunso ka at mag-isa mo lang na lalaki ganyan ka na kung umasta? hindi porket laging ikaw ang pinapaburan nila noon at laging iniintindi noon eh dapat mo ng abusuin yun. magmature ka naman na, nasa college ka na at dapat alam mo na ang dapat mong asta. hindi lahat ng bagay na ipapagawa mo eh gagawin ng iba!

such a spoiled brat! walang alam kundi ang hingin ang gusto na hindi naman kailangan at puro ipinapagawa na lang sa iba ang mga simpleng bagay na tinatamad niyang gawin. magpasalamat ka nga't tumutulong pa kami. buti ka pa nga may nagtuturo sayo kahit na hindi naman alam ng karamihan. hindi ka man lang makagawa ng sarili mo.

kung gusto mong magsolo magsolo ka. hindi ko ipinipilit ang mga bagay na ginagawa ko na para sa inyo. KUNG AYAW MO, EH DI AYAW! so what?! mabubuhay naman ako ng hindi ka kausap. hindi mapapanis ang laway ko para lang makausap ka. ang swerte mo naman kung ganon?!

i'm still okay even though you're mad at me. atleast i'm not sensitive like you. i know what i am doing and i am not reacting on what you are doing not like you, it's like you're always irritated to the things that i am doing. i'm not a kid anymore. i've grown enough.

Wednesday, December 15, 2010

siya pa rin hanggang ngayon!

Michael Claude ang pangalan niya…

higit isang taon na kami and i’m super happy to be with him.!
naiintindihan niya ako at alam niya kung paano ako i-handle kahit sa anong sitwasyon. hindi pa niya ako igini-give up kahit ilang beses na kaming nag-away at hindi magkaintindihan sa mga ilang bagay. anjan siya palagi kahit ang problema ko ay tungkol sa aking pamilya. lagi niyang sinasabi na ayos lang yan, basta matatapos na namin ang pag-aaral ay magsasarili na kami basta nasa tamang sitwasyon na ang lahat lahat at kami ay handa na. sana lahat ng pangarap namin ay magkatotoo kasi kahit matagal pa kaming makatapos at marami pa kaming pagdadaan ang sa amin ay kami na sana para sa isa’t isa kasi kailangan namin ang isa’t isa para maging masaya. at sana siya na nga. napapasaya niya ako sa napakasimpleng bagay na ginagawa niya. kahit hindi man siya mag-effort ng todo napapasaya niya ako. hindi man siya ang pinakagwapo at pinakamacho sa lahat ng lalaki siya naman ang tamang lalaki para sa akin. niya ang lalaking mamahalin ko ng sobra-sobra at higit pa sa buhay ko. dahil ipinakita niya sa akin ang tunay niyang nararamdaman. kung gaano man kalamig ang pasko hindi ako tinatablan dahil sa init ng kanyang pagmamahal para sa akin.

at sana ako naman ay maging sapat sa kanya bilang kanyang karelasyon. sana nakikita at nadadama niya ang init ng aking pagmamahal. dahil habang ako’y nabubuhay hindi ako magsasawang titigan, yakapin, halikan at sabihin sa kanya kung gaano ko siya kamahal.

maraming problema na ang aming napagdaanan pero alam ko hindi pa iyo sapat para mapatunayan na kaya na namin sigurong magbukod. kung isasakripisiyo namin ang aming pag-aaral at maghahanap buhay muna para sa aming kinabukasan ay mabuti pero kailangan pa rin naming ipagpatuloy ang aming pag-aaral sa mga susunod na taon kung sakali. iniisip nga namin ang bagay na iyon. sabi ko naman sa kanya, ayokong isakripisiyo niya ang kanyang pag-aaral para sa akin. sapat ng ako nag tumigil kung kinakailangan at siya ay mag-aaral para mas madaling makatapos at makapaghanap ng mas magandang trabaho at ako naman ang susunod na mag-aaral para sumunod na ring makatapos at magiging katuwang sa paghahanap-buhay para sa amin. mahirap paniwalaan kasi sa mga ugali pa lang namin parang bibigay na, pero naiisip pa rin namin na handa kaming magbago para sa sitwasyong iyon. pero siyempre nagsisikap pa rin kami ngayon sa aming pag-aaral para makatapos na at malagpasan ang aming problema sa ngayon. sana po matapos na ang lahat ng aming problema para wala na kaming iniisip pa na mabigat. hindi namin mapipigilan ang panahon at ang paglaki ng problema pero sa tingin ko kaya kong isakripisiyo ang aking buhay para hindi na siya maidamay pa sa nagawa naming kasalanan. hindi ko kayang makita siya na nahihirapan ng dahil lang sa problema naming ito. gusto ko ng mawala ang malaking balakid sa aming buhay para maging malaya at masaya.

mahal na mahal ko siya. kahit na anong mangyari hinding hindi ko siya bibitiwan at siya pa rin ang mamahalin ng puso ko at kakailanganin ng buhay ko….