Sunday, December 19, 2010

sana naman mataohan ka na....

nabasa daw niya yung post ko at umiyak daw siya ng dahil dun. bakit masakit bang tanggapin ang katotohanan? buti nga yun lang ang mga salitang binibitiwan ko, samantalang kung sila itong makapagsalita eh kulang na lang ay ang isumpa nila ako. yun ang nararamdaman ko kung makapagsalita sila sa akin. alam ko kung mababasa man nila ito ako na naman ang magmumukhang masama at mali. wala na akong ibang paraan pa para ilabas ang aking nararamdaman.

love? sana nga totoo yung sinasabi nila o ako lang talaga ang may mali. hindi ko kasi maramdaman eh. kahit sabihin nating may mga time na masaya kami pero ako lang din naman ang nakikita nilang pagsilbihan. at kung minsan masaya nga sila hindi naman ako kasama, tapos magtatanong sila sa akin kung bakit ako di kumikibo o kaya bakit O.P ako. bakit sinasama ba nila ako sa usapan? hindi naman ah, tapos kung magsasalita naman ako wala namang pumapansin sa akin. san pa ba ako dapat lumugar? mas mabuti pa ata na mawala na lang ako sa buhay nila kesa may iniisip pa silang dapat pansinin at pasanin sa kanila. ang bitter ko noh? pero yun po kasi ang iniisip ko eh. sorry na lang po....

0 comments: