Michael Claude ang pangalan niya…
higit isang taon na kami and i’m super happy to be with him.! naiintindihan niya ako at alam niya kung paano ako i-handle kahit sa anong sitwasyon. hindi pa niya ako igini-give up kahit ilang beses na kaming nag-away at hindi magkaintindihan sa mga ilang bagay. anjan siya palagi kahit ang problema ko ay tungkol sa aking pamilya. lagi niyang sinasabi na ayos lang yan, basta matatapos na namin ang pag-aaral ay magsasarili na kami basta nasa tamang sitwasyon na ang lahat lahat at kami ay handa na. sana lahat ng pangarap namin ay magkatotoo kasi kahit matagal pa kaming makatapos at marami pa kaming pagdadaan ang sa amin ay kami na sana para sa isa’t isa kasi kailangan namin ang isa’t isa para maging masaya. at sana siya na nga. napapasaya niya ako sa napakasimpleng bagay na ginagawa niya. kahit hindi man siya mag-effort ng todo napapasaya niya ako. hindi man siya ang pinakagwapo at pinakamacho sa lahat ng lalaki siya naman ang tamang lalaki para sa akin. niya ang lalaking mamahalin ko ng sobra-sobra at higit pa sa buhay ko. dahil ipinakita niya sa akin ang tunay niyang nararamdaman. kung gaano man kalamig ang pasko hindi ako tinatablan dahil sa init ng kanyang pagmamahal para sa akin.
at sana ako naman ay maging sapat sa kanya bilang kanyang karelasyon. sana nakikita at nadadama niya ang init ng aking pagmamahal. dahil habang ako’y nabubuhay hindi ako magsasawang titigan, yakapin, halikan at sabihin sa kanya kung gaano ko siya kamahal.
maraming problema na ang aming napagdaanan pero alam ko hindi pa iyo sapat para mapatunayan na kaya na namin sigurong magbukod. kung isasakripisiyo namin ang aming pag-aaral at maghahanap buhay muna para sa aming kinabukasan ay mabuti pero kailangan pa rin naming ipagpatuloy ang aming pag-aaral sa mga susunod na taon kung sakali. iniisip nga namin ang bagay na iyon. sabi ko naman sa kanya, ayokong isakripisiyo niya ang kanyang pag-aaral para sa akin. sapat ng ako nag tumigil kung kinakailangan at siya ay mag-aaral para mas madaling makatapos at makapaghanap ng mas magandang trabaho at ako naman ang susunod na mag-aaral para sumunod na ring makatapos at magiging katuwang sa paghahanap-buhay para sa amin. mahirap paniwalaan kasi sa mga ugali pa lang namin parang bibigay na, pero naiisip pa rin namin na handa kaming magbago para sa sitwasyong iyon. pero siyempre nagsisikap pa rin kami ngayon sa aming pag-aaral para makatapos na at malagpasan ang aming problema sa ngayon. sana po matapos na ang lahat ng aming problema para wala na kaming iniisip pa na mabigat. hindi namin mapipigilan ang panahon at ang paglaki ng problema pero sa tingin ko kaya kong isakripisiyo ang aking buhay para hindi na siya maidamay pa sa nagawa naming kasalanan. hindi ko kayang makita siya na nahihirapan ng dahil lang sa problema naming ito. gusto ko ng mawala ang malaking balakid sa aming buhay para maging malaya at masaya.
mahal na mahal ko siya. kahit na anong mangyari hinding hindi ko siya bibitiwan at siya pa rin ang mamahalin ng puso ko at kakailanganin ng buhay ko….
Wednesday, December 15, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment